MGA KAALAMAN TUNGKOL SA KULUGO SA PUWIT (ANAL WARTS)

Rate this item
(0 votes)

*Ano ang kulugo sa puwit?                         

Ang kulugo sa puwit o tinatawag ding “condyloma acuminate” ay parang mga butlig na nakapalibot sa puwit at maari ring hanggang sa may genital area. Ang sakit na ito ay maaring ituring na sexually transmitted disease (STD) o nakukuha sa pakikipagtalik. Ito ay maaring magsimula nang napakaliliit, parang ulo lang ng aspili o karayom at maaring lumaki nang lumaki at mapuno ang buong paligid ng puwitan. Karaniwang walang mararandamang pagkirot ang mga mayroon nito at maaring hindi mamalayan ang pagkakaroon nito. Kalaunan ay maaring makaranas ng mga sintomas tulad ng pangangati, pagkirot, at pagkakaroon ng mga maliliit na umbok o butlig sa puwitan.

Ano ang sanhi?                                               

Ang kulugo sa puwit ay sanhi ng papilomang birus na pantao (human papilloma virus o HPV). Ito ay naisasalin sa pamamagitang ng direktang kontak mula tao sa tao. Maari rin itong maisalin sa pakikipagtalik. Hindi kailangan ang anal sex upang magkaroon nito.

Dapat bang tanggalin ang mga kulugo?

Oo. Kapag ito ay hindi naalis, ito ay maaring lumaki at kumalat. Pag pinabayaan, tumataas ang panganib na ito ay maging kanser sa lugar na kinaroroonan.

Ano ang mga pwedeng ipanglunas?

Kung ito ay nasa maliit na lugar lamang, maari itong gamitan ng mga pamahid na gamot. Maari ring gumamit ng liquid nitrogen na magpapayelo (freeze) ng mga kulugo. Pwede rin itong tanggalin sa pamagitan ng operasyon (surgery) kung ito ay malalaki na o kaya ay nasa loob ng tumbong (rectum) o puwit. Ang operasyon ay karaniwang paghiwa o pagsunog sa mga kulugo. Ginagamitan din ito ng pampamanhid (anesthesia).

Kailangan bang maospital para sa opersyon?

Hindi. Ito ay karaniwang ginagawa lamang sa klinika bilang out-patient procedure.

Ang impormasyong ito ay hindi pamalit sa mga payong medikal. Magtanong at sumangguni sa mga espesiyalista.

2nd Floor, Podium Building, The Medical City,

Ortigas Avenue, Pasig City, Metro Manila

Tel No. (632) 9881000 or (632) 6356789 ext. 7789

www.colonandrectalspecialists.com , www.crsi.com.ph

Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.">This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Clinic Hours: Mondays to Saturdays – 8:00 AM to 5:00 PM except Wednesdays

Ang Mga Espesiyalista

Manuel Francisco T. Roxas, M.D.

Robert L. Chang, M.D.

Catherine S. Co, M.D.

Carlo C. Cajucom, M.D.

Marc Paul J. Lopez, M.D.

Dione P. Sacdalan, M.D.

Read 6624 times
More in this category: « Anal Warts